Isa sa mga nakagawian ko ang pagsusulat ng 'reminder' sa palad. Sa ganitong paraan, naalala ko ang mga naisip kong gawin para sa araw na yon, na hindi ko pa maaring magawa dahil wala pa sa tamang oras kapag nakasulat ito sa aking palad. Pasalamat na lang ako dahil hindi pawisin ang aking kamay kundi ay kayrami ng mga bagay ang hindi ko nagagawa.
(example 1)
Kagabi, Nakilala ko rin sa wakas ang matagal ko ng kras sa TVC ... konting chika-chika, hanggang sa nabanggit ko na wala pa akong trabaho. Nag suggest siya na subukan ko raw mag apply sa kanyang pinapasukan, at gawin ko siyang reference ... naks! [cha-ching?]
Ayun, dahil gagawin ko nga siyang reference, kinuka ko ang buo nyang pangalan [pati fone# na pala sana noh] Alam kong hindi ko maalala ang last name nya kaya sinulat ko ang buo nyang pangalan sa palad ko
Makalipas ang 14 na oras, pagkadating na pagkadating sa bahay, nandun pa rin ang pangalan nya sa palad ko, Me-anne P*******. Ayan pwede ko nya siya stalk-in [joke]
(example 2)
May narining akong isang kanta sa telebisyon, na naisip ko na nababagay na gawing isang katatawanan ang lyrics para sa isa naming kasamahan sa trabaho, ito ang nilalaman ng kanta ...
"Hindi ako bakla, kakakla-kla!"
kaya ayun, para hindi ko rin makalimutan, isinulat ko muna sa palad ko ...
Halos buong magdamag akong palaboy-laboy sa opisina na naka-marka sa aking palad ang linya ng awitin na yon nang .....
Mapansin ng isang kaopisina, at tinanong kung ano ang nakasulat sa palad ko ...
** Tingin sa palad **
"Ah! wala yan, REMINDER lang yan!"
[waaahhh]